Thursday, August 30, 2012

Nagbabagang mga balita!


Balita #1: Isang Buntis sinaksak! Bata sa sinapupunan, umilag at nakaligtas!


Balita #2: Sementeryo, Binaha! Mga patay! Nagsilikas!


Balita #3: Isang matanda tumingala habang nagdarasal, namatay! Abay, Nauntog pala sa kahoy na may Pako!


Balita #4: Isang binata ang nakita ng mga rescue team na nagpakamatay di umano sa gilid ng dagat. Ang buong balita ihahatid ni Ted, Ted?!

Ted: Isang binata ang nagpakamatay sa gilid ng dagat. Kumuha siya ng baril, gas at posporo, at tali para magbigti!
Ang kanyang proseso: inilagay ang tali sa kanyang leeg, nilagyan niya ng gas ang buong damit at inilabas ang posporo at baril.
Sinindihan ang posporo at sinunog ang sarili pagkatapos ay tumalon para magbigti at pinaputok ang baril sa ulo.
Ang resulta! Natamaan ng baril ang tali at nahulog ang binata sa tubig! Ang apoy sa kanyang katawan, pinawi ng tubig sa dagat! Mabuti nalang at may mga rescue team agad itong sinaklolohan!
Umabot siya sa Hospital, Pero namatay rin ang binata. Namatay ang binata ng dahil sa sipon!



No comments:

Post a Comment