Saturday, September 1, 2012

MMDA!

Boy: Buti na lang walang MMDA dito noh...

Girl : Bakit? Ano nangyari?

Boy: Nagkabanggaan puso natin eh...


Ang cheesy.. ^^

Oh my Gawd!

Boy: Sana pinto ka na lang?

Girl: Hay naku! Bakit nanaman?

Boy: Para pwede kitang pasukan at labasan...


Unlimited!

Girl: May bagong unlimited ah?

Boy: Oh? Nu naman unli un?

Girl: Ikaw, unlimited ka sa puso ko!

Boy: Wow ha! talaga?

Girl: OO! BUKAS EXPIRED KNA!!!



Tawa ka dali! hahahaha

Masakit te!

BF: Kunwari dictionary ako...

Sigurado kahit saang page mo tingnan...

Hindi mo ako mahahanap...

Wala naman kasi akong meaning sayo!

Huwag magbisyo!

BF: Alam mo para kang bisyo...

GF: Hihi... Dahil ba hindi mo ko maiwasan?

BF: Hindi. Sinisira mo kasi buhay ko!!!


Oh my Shades!

GF: Alam mo para kang shades...

BF: .. Bakit naman? Kasi bagay ako sayo?

GF: Hindi! Kasi nagdidilim ang paningin ko pag nakikita kita!!!


Bitter ni Ex oh!

EX: * Banat ng bitter na ex:
"So what kung may chemistry kayo?
Bukod sa may history tayo...
I know your anatomy..."


May anatomy pang nalalaman! haha

Banats Part3!


1.Favorite subject mo ba geometry? Kasi kahit anong angle, ang cute mo.

2.Di ka ba nahihirapan sa sitwasyon natin? Hanggang friends na lang ba tayo?

3.Am i a bad shooter? Coz i keep on missing you.

4.May mapa ka ba diyan? Para alam ko ang daan papunta sa puso mo.

5.Kung posporo ka at posporo din ako, eh di MATCH tayo.

6.Excuse me! Miss alam mo ba yung kasabihan ng mga Pilipino? "Aanhin pa ang damo, kung sayo pa lang may tama na ko."

7. Kapag ako may tindahan, lahat ng tao bebentahan ko ng mura, sayo lang hindi, dahil sayo lang ako magmamahal.

8.Alarm clock ka ba? Ginising mo kasi ang natutulog kong puso eh.

9.Pwede ka bang makatabi pag may exam? Coz i feel perfect beside you.

10. Mahilig ka ba magluto na pancit canton? Kasi pag kasama kita, feeling ko, "LUCKY ME."


Banats Part2!

1. Bangin ka ba? Nahulog kasi ako sa'yo.

2. May lisensya ka ba? Coz you're driving me crazy.

3. Pustiso ka ba? Kasi I can't smile without you.

4. Alam mo ba na scientist ako? At ikaw yung LAB ko.

5. Tapos na ba ung exam mo? Para ako naman sagutin mo.

6. Ok lang na ako ang magbayad ng tuition fee mo? Basta pag-aralan mo lang akong mahalin.

7. Nabibingi ka na ba? Coz my heart has been screaming out your name for quite some now.

8. May kilala ka bang gumagawa ng relo? May sira ata relo ko. Pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko.

9. May butas ba yang puso mo? Natrap kasi ako, can't find my way out.

0. Aanhin pa ang gravity, kung lagi lang akong mahuhulog sa iyo?


Banats Part1!

1. Kumain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng ngiti mo.

2. I'm a bee, can you be my honey?

3. Sweswertihin ka sa pagibig ngayong taon, pag naging akin ka.

4. Papupulis kita! Ninakaw mo kasi puso ko.

5. Meralco ka ba? Pag ngumiti ka kasi may spark.

6. I lost my number. Can I have yours?

7. Ice ka ba? Crush kita, okay lang?

8. I forgot your name. Can I call you mine?

9. May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita.

10. Are you a dictionary? Coz you add meaning to my life.


Ang poor.


Poor: Oh, may sakit ka sa balat!

Rich: That's allergy men. It's not contaminating. Oh! look! you have one too.

Poor: Galis yan. At nakakahawa to. Paenglish-english ka pa!


ALAB YOU.

Boy: miss apoy ka ba?

Girl: bakit?

Boy: kasi “alab” you.

Girl: ah ok! hoy haba na ng bigote mo….

Boy: ano naman yun?

Girl: “ahet” you!


Panalo! hahaha

Thank You Visitors!

I started posting August 30. On the same date I joined the topblogs in the Philippines under Humor Caegory! It surprised me that I got in the top 214 considering that I am just new. :) Thank You very Much!

Thank you very much to those who come and visit my blog. :)

Hope to give you more laughters!

Ano sa tingin mo?

girl: Maganda ba ako?

Sarcastic: Kung maganda ka, di ka na nagtatanong.


Beauty or Brain?



Ana: Ang ganda ni Maria nho?

Lea: Beauty is everywhere. But what is beauty is brain is nothing.

Ana: Baka empty kamo. Beauty na nga lang din ang meron sa iyo, ipinagkakait mo pa sa sarili mo.


Para po!


Estudyante: Manong Para po!

Driver, hindi narinig...

Estudyante: Manong Para po!

Driver: May bababa ba?

Estudyante: Ay wala po. tatalun nalang po!


Manong Para!


tengene.


Ber month na!


September! Be good to me!


Huwag ng Mag-GM!


Shunga lang?


Tips para hindi makalimutan ng crush!


Dream high!


Mayaman Vs. Mahirap


Friday, August 31, 2012

Atapang A tao.


Pasyente: Doc takot ako sa bunot eh!

Dentista: Heto gamot pampalakas ng loob.

Pasyente: (uminom ng gamot)

Dentista: Matapang ka na ba?

Pasyente: Oo doc, 'pag may gumalaw sa ngipin ko gugulpihin ko!



Starbucks


My lolo is ordering coffee at Starbucks...

Barista: DECAF po ba?

Lolo: OO, alangan naman dePLATE, Paano ko iyun iinomin kung nasa plato? Tanga neto.


Tama ang hula mo!

Mare1: Mare, huhulaan kita!
Naku Mare,your husband will meet a violent death.

Mare2: Alam ko 'yon.

Mare1: Kung gayon Mare,paghandaan mo ang mga mangyayari.

Mare2:Handa na ang lahat Mare. Ang gusto kong malaman ay kung maaabsuelto ba ako??


Use it in a sentence Part4!


Use DEDICATE in a sentence.

...Pag ginamitan ng glue, siguradong DEDICATE iyan.



Use DELICACY in a sentence.

...Bagal mo... DELICACY mahuhuli na tayo.



Use DEPRECIATE in a sentence.

...Sister, DEPRECIATE already, kaya pwede na tayong kumain.



Use DIFFUSION in a sentence.

...Brownout...siguradong DIFFUSION pumutok.



Use LAITY in a sentence.

...Taga "laity" si Imelda Marcos.



Use MENTION in a sentence.

...Ang laki ng bahay nila, parang MENTION.



Use ebonic word MOTHA' FUCKA' in a sentece.

...Anak mag-ingat, ka baka MOTHA' FUCKA'.



Use it in a sentence Part3!

Use DELETION in a sentence.

...The balat of DELETION is crispy.



Use DESPISE in a sentence.

...Who baked all DESPISE?



Use DIFFERENT and DIFFERENTIAL in a sentence.

...I am looking for DIFFERENT of this boy to get DIFFERENTIAL consent so he can go to the picnic.



Use BORROW in a sentence.

...Ang dumi naman ng BORROW mo.



Use CAESAREAN in a sentence.

...Lintek, anak, mag-ingat ka, CAESAREAN mo iyang laruan mo.



Use it in a Sentence Part2!


Use CONTEMPLATE in a sentence.

...Pare, ang dami-daming pagkain, pero, ko-CONTEMPLATE.



Use CADET in a sentence.

...CADET ko si Maria nung isang gabi. Ngayon, ikaw naman ang CADET niya.



Use BE COOL and I'LL BUY in a sentence.

...The tourist went to Mayon volcano in I'LL BUY, BE COOL.



Use CARDIAC in a sentence.

...Na CARDIAC yung kotse ni Pedro noong isang gabi.



Use CENTURION in a sentence.

...Na-CENTURION si Pedro ng tatay niya dahil sa kalokohan niya.



Use it in a sentence Part1!


Use KITCHEN and CURTAIN in a sentence.



...Wag mo akong CURTAIN masa KITCHEN.



Use SCHOOLING in a sentence.

...(phone rings).....Hello? Who SCHOOLING?



Use AFFECT in a sentence.

...I am not wearing AFFECT diamond ring.



Use ADIEU in a sentence.

...If you are ADIEU, the Arabs will kill you.



Use DECANTER in a sentence.

...You can order and pay that food over DECANTER.



My English Ability.


Erap was asked by a gradeschooler to test his english ability.

Kid : Use Deduct, Defense, Detail & Defeat in a sentence.

(15 mins. of silence...)

Erap: DEDUCT jumped over DEFENSE, DEFEAT first, then DETAIL!!



What is effort?


Anak: Itay baksak ako sa English recitation!

Tatay: Anak ng** Bakit, ano ba tanong?

Anak: Ano daw ba ang definition ng effort?

Tatay: Anak ano ka ba? ang bobo mo naman.. Mana ka talaga sa nanay mo! effort lang 'di mo pa alam... ang effort ay 'yong nilalandingan ng eroplano!



Thursday, August 30, 2012

Nagbabagang mga balita!


Balita #1: Isang Buntis sinaksak! Bata sa sinapupunan, umilag at nakaligtas!


Balita #2: Sementeryo, Binaha! Mga patay! Nagsilikas!


Balita #3: Isang matanda tumingala habang nagdarasal, namatay! Abay, Nauntog pala sa kahoy na may Pako!


Balita #4: Isang binata ang nakita ng mga rescue team na nagpakamatay di umano sa gilid ng dagat. Ang buong balita ihahatid ni Ted, Ted?!

Ted: Isang binata ang nagpakamatay sa gilid ng dagat. Kumuha siya ng baril, gas at posporo, at tali para magbigti!
Ang kanyang proseso: inilagay ang tali sa kanyang leeg, nilagyan niya ng gas ang buong damit at inilabas ang posporo at baril.
Sinindihan ang posporo at sinunog ang sarili pagkatapos ay tumalon para magbigti at pinaputok ang baril sa ulo.
Ang resulta! Natamaan ng baril ang tali at nahulog ang binata sa tubig! Ang apoy sa kanyang katawan, pinawi ng tubig sa dagat! Mabuti nalang at may mga rescue team agad itong sinaklolohan!
Umabot siya sa Hospital, Pero namatay rin ang binata. Namatay ang binata ng dahil sa sipon!



Nahihirapan akong Huminga!


GF: Babe, Nasaan na ang Doktor?

BF: Wala pang available Babe. Bakit?

GF: Babe, nahihirapan na akong huminga.

BF: Ganun ba babe?

GF: Oo Babe. Ano ang gagawin natin?

BF: Aba Babe, kung nahihirapan ka ng huminga... itigil mo na.



Ako ang pinakamagaling!


Anak: Papa! Naglaro kami kanina! Ako raw ang pinakamagaling sabi ng guro namin!

Ama: Aba! Yan ang anak ko!

Anak: hehe.. Opo!

Ama: Eh ano ba ang nilaro niyo anak?

Anak: Chinese Garter ho Pa!



Siyempre naman!


GF: Babe, Maganda ba ako?

BF: Siyempre naman, Gf kita eh.

GF: Ganun ba?! Eh, Mabait ba ako?

BF: Siyempre naman, Gf kita eh.

GF: Huh! Ikaw ha? Eh.. Sexy ba ako?

BF: Siyempre naman babe, Gf kita eh.

GF: haha Ikaw talaga.. Eh.. Mahal mo ba ako?

BF: Siyempre naman, Gf kita eh.

GF:Hmpp! Baka niloloko mo lang ako ha?

BF: Siyempre naman, Gf kita eh.



Maghihiwalay na kami Mare.


Mare1: (nakayuko habang umiiyak...)Mare, maghihiwalay na kami ng Mister ko!

Mare2: Bakit naman Mare?

Mare1: (nakayuko parin habang umiiyak...)Kasi Mare, mabaho raw ang hininga ko Mare.

Mare2: Ha? Ganun ba Mare? Baka naman joke lang niya iyon!

Mare1: (hinarap ang kumare at nagsalita...) Pero Mare, masamang biro iyon!

Mare2: Aba Mare! Nagpapakatotoo lang pala ang Mister mo!



Sino ang nakakahiya?


Ama: Anak, mahiya ka naman. Naglilinis ako rito, ikaw, naglalaro diyan. Ayaw mo ba akong tulungan anak? Baka isipin ng ibang tao, hindi ka na nahiya at hinahayaan mo akong maglinis dito at mapagod ng mag-isa.

Anak: Eh Itay, Ano ho ba ang mas nakakahiya? Ang makita ng mga tao na ikaw ang naglilinis diyan at ako ang naglalaro rito, O Ang makita nila na Ako ang naglilinis diyan at ikaw ang naglalaro rito?!



Malambing mong Tinig Madam!


Ma'am: Pedro, ilang beses ka ng nakakatulog sa klase ko. Aba! Aba! Hindi dapat iyon ang oras ng pagtulog mo!

Pedro: Pasencia na po Ma'am.

Ma'am: Bakit ka ba nakakatulog sa klase ko? ha?

Pedro: (Nag-isip ng palusot...) Sa kadahilanang, malambing ang boses mo Ma'am.

Ma'am: Huwag ka ng magpalusot Pedro. Tignan mo ang iba ay hindi nakakatulog.

Pedro: Ma'am, iyan ay sa kadahilanang, hindi sila nakikinig sa klase mo.



Kwento namin?


Ang sakit te!


Paano ka ba sumagot?


Tanong: Nasaan ka na?

Sagot: Malapit na.



Tanong: Kumain ka na?

Sagot: Busog pa ako.



Tanong: Saan tayo pupunta? -- Saan tayo kakain?

Sagot: Kahit saan.



Tanong: Anong kakainin natin?

Sagot: Kahit ano!



Tanong: Anong oras na?

Sagot: Mamaya pa.


Tanong: Maganda ba siya? -- Gwapo ba siya?

Sagot: Maputi lang.



Lasing ang kuya!



Lasing: Huwaaaa!!! Sino ang mayabang dito? Lumabas!

Walang lumabas...

Lasing: Lumabas ang mayabang!! Akala ko maraming mayayabang dito!

Wala paring lumabas...

Lasing: Lumabas sabi ang mayayabang eh..!! LUMABAAASSSS!!!!

Isang pulis na may dalang baril ang lumabas...

Pulis: Ako! Ako! Mayabang ako!

Lasing biglang natakot...

Lasing: Akalain mo Sir,.. Pareho tayong mayabang!



Chicken na Chicken!


Ama: Anak, kamusta ang pag-aaral mo?

Anak: Ayos lang ho, Itay. Nag-aral po kami kanina tungkol sa mga manok.

Ama: Aba?! Mabuti kung ganun. Mahirap ba anak?

Anak: Mahirap? Hindi po Itay. Chicken na chicken ika nga.

Ama: Yan ang anak ko. Eh ano naman ang nakuha mong marka?

Anak: Ang sabi ho ng Maestra Itay eh. Itlog ho.



Kopyahan


Juan: Kumusta ang assignment?

Pedro: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.

Juan: Naku, ako rin! Paano 'yan?

Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!



Ama at Anak


Anak nagko-computer...

Ama: Anak, ilang oras ka ng babad sa computer na yan?

Anak: Limang oras na ho itay.

Ama: Aba! Anak! may exam ka pa bukas.

Anak: Oho itay. Meron po.

Ama: Eh ano pang ginagawa mo diyan?

Anak: Nagkocomputer po!

Ama: Hala! Umalis ka na riyan at mag-aral ka na.

Anak: Oho, aalis na po.

Ama: Umalis ka na sabi eh. Kapag ikaw bumagsak sa exam mo bukas, kalimutan mo ng may ama ka pa!

Natapos ang exam ng Anak.

Ama: Oh Anak! Kamusta ang exam mo?

Anak: Ha? Who you?



Common Sense Ma'am!

(Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher..)

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Bata: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? syempre umalis na po. Common sense naman mam!



No-No!



Airforce: "No guts, No glory!"

Marines: "No retreat, No surrender!"

Army: "No pain, No gain!"

Naks ayaw patalo ang Security Guards

Security Guards: "No I.D, No entry!"



Hold-Up scene!



Holdaper: Hold-up to! May baril ako! babarilin ko kayong lahat!

Lalaki: Alangang isaksak mo iyan sa amin?! Tanga lang?


Holdaper: Hold-up to! Ang sisigaw rerepin din namin!

Babae: Huwag po!

Holdaper: Tumahimik ka!

Babae: HUWAGGGG POOOO!!!!

Holdaper: Sabi ng tumahimik ka eh! Gusto mo bang mabaril?

Babae: Akala ko ba rerepin niyo?

Holdaper: Iyong magaganda lang! Tanga neto!


Holdaper1: Hold-up to! Itaas ang mga kamay!

(mga tao, itinaas ang kamay...)

Holdaper2: Putakte! Amoy putok! Ibaba niyo na!!


Holdaper1: Hold-up to!

Holdaper2: Binatukan ang kasama.

Holdaper1: bakit mo ako binatukan?

Holdaper2: Gago ka ba? akyat bahay gang tayo. Huwag ka maingay, baka magising sila, gago!



Mga dapat isagot kapag sinabihan kang "PANGIT!"



Sinabihan ka na ba ng "PANGIT KA!"?
Ano ang ginawa mo?
Dapat sinuntok mo! ^^ Biro lang. Ang mga kataga na mababasa mo sa ibaba ay ang mga kataga na maaari mong isagot sa mga taong sinabihan ka ng "Pangit ka!" o di kaya'y "Ang pangit mo!".

Eto ang ilan:

Paalala: Kailangan kapag sinabi mo ang mga katagang ito ay handa ka sa mga maaaring iisipin ng tao. Ang mga ito ay masasabing sarcastic at maaaring hindi sasangayunan ng ilan.



1. Tignan niyo! May nagsasalitang Unggoy! (Sabay turo sa taong nagsabi sayo na pangit ka.)

try mo rin to...

2. Whoa? Hindi ako salamin ha?! (dapat with feelings ha?!)

3. Kumpara sa iyo..?? (with sarcastic laugh) mas maganda ako eh.

4. Ang bobo mo talaga friend. (with sarcastic laugh)

5. (Bigyan mo ng isang piso.) Oh! ayan! Pambili mo ng salamin mo!

6. Ang baho ng hininga mo, friend!

7. Ui kahapon iyon! Ngayon maganda na ako! Sana ikaw rin!

8. hahaha! Ang tanga neto.

9. Sampalin mo! Ooops! May lamok!


Comment me what you think? :D

May tanong ako!


Tanong: Ano sa tagalog ang never been kissed?

Sagot: Pangit na, Bad breath pa!



Tanong: Eh, Ano naman sa tagalog ang never been touch?

Sagot: May Buni! :D



Tanong: Ano sa tagalog ang beauty and the beast?

Sagot: Ang asawa ko at ang nanay niya!



Tanong: Ano sa tagalog ang resident evil?

Ang biyenan ko!



Tanong: Ano sa tagalog ang Plastic?

Sagot: hindi ko kaibigan. Kaibigan mo?



Tanong: Ano sa tagalog ang matalino?

Sagot: iilan lang ang nakakaalam sa ginawa ko. Matalino ka kung alam mo!

Nangaliwa si Mister!


Mare1: Mare, nangangaliwa ang Pare mo!

Mare2: Totoo ba iyan Mare?

Mare1: Oo Mare, nakita ko sa polo niya, may lipstick sa kwelyo niya.

Mare2: Ganun ba Mare?

(Mare1 umiiyak...)

Mare1: Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nangangaliwa ang Mister ko!

Mare2: Hindi ko rin alam Mare. Basta ang alam ko, mas mabango raw ako sa iyo Mare.

Katahimikan...

Ang lolo kong bingi.


#1: Ilang kilo?
Apo: LOLO, ILANG KILO NG BIGAS ANG BIBILHIN KO? ISANG KILONG BIGAS?
Lolo: ABA! HUWAG MO AKONG SISIGAWAN AT HINDI AKO BINGI! AANHIN MO ANG ISANG KILO NG GAS?


#2: Ilang kaha?
Binata: Lo, pabili po ng isang kaha ng Hope.
hindi narinig ni lolo....
Binata: LOLO, ISA HONG KAHA NG HOPE!
narinig ng lolo...
Lolo: HUWAG MO AKONG SISIGAWAN DAHIL HINDI AKO BINGI!
Ilang bote ba ng coke?


#3: Batuhin kaya kita?
Apo: Lolo diba may kasabihan po tayo na, "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay".
Lolo: Ano apo?
Apo: Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay, ho.
Lolo: Oo Apo, kumakain ang aso ng tinapay.